"
get your motor running,
get out on the highway
looking for adventure,
|
four in a bike without helmets |
or whatever comes our way."
sa sobrang taas ng presyo ng krudo sa world market, marami sa atin ang nag momotorsiklo na lamang papunta at pabalik sa kanilang paroroonan. tipid nga naman at mas mabilis ang biyahe, nagmura ang presyo ng mga motorsiklo, kaya lalo'ng dumami ang "riders" sa lansangan.
lately ang mga bagong sibol na "riders" ngayon sa lansangan ay may pagka-"wild", hindi nila alintana ang tamang paglalakbay sa ating mga lansangan sakay ng kanilang mga motorsiklo, sa madaling sabi, di sila gaanong "aware" sa ating mga batas trapiko. madalas ko'ng ma-"experience" ang kanilang pagka-"wild" sa daan; kapag traffic ay lusutan sila ng lusutan sa right side ng kalye (di ba sa left ang pag-overtake?) kung saan maraming pedestrian (tulad ko) ang matiwasay na naglalakad, magugulat ka na lang at may biglang dadaan na motorsiklo. kung minsan naman ay busina nang busina sa iyo habang naglalakad ka at minsan nga ay sinasakop na nila ang mga sidewalks, GRABE!!! hindi ko malaman kung bakit nagkakaroon ng liyensiya ang mga kumag na 'to.
palagi'ng nag-aapura, hindi mo malaman kung ang pagbiyahe sa mga lansangan ay isang karera na para'ng "cannonball run". madalas tuloy na sila ang sangkot sa mga aksidente, tsk, tsk, tsk...
naging laganap pa ang krimen tulad ng snatching, hold-up, agaw cellphone na gamit ang motorsiklo sa pagsasagawa ng kanilang modus operandi. tulad na lang ng na experience ng kasama ko'ng liaison officer na si camilo, nang may samahan siya'ng pasahero sa embassy sa paseo de roxas. natapos na ang transaksyon nila sa embassy at naghihintay na lang ng taxi papunta'ng airport ang pasahero, nang may biglang dumaan na motorsiklo sa sidewalk mismo, kung saan sila naghihintay ng taxi; hinablot ang shoulder bag ng laptop noong pasahero ni camilo, nabigla sila pareho at hindi na nagawa'ng ipagbigay alam sa mga pulis ang nangyari, dahil sa bilis ng mga pangyayari.
may mga ilan pa rin naman na masasabi'ng matino pagdating sa pagmomotorsiklo, kaya lang ay iilan na lang sila, puro pasaway ang mga naiwan sa ating lansangan. kaya sa ating mga pedestrian, mga drivers ng four-wheeled vehicles, mag-ingat tayo sa mga "born to be wild" na riders. hasta la vista, baby, vrrrooom!