kung saan nasakop ang Manila ng hukbong sandatahan ng bansang Hapon. 1945 naman ng malupig ang mga Hapon, sa tulong ng tropang Kano, sa pamumuno ni Gen. Douglas MacArthur, at tuluyang nakalaya ang Maynila sa mga Hapon...
maraming bagay din naman ang naipamana sa atin ng mga Hapones. sa "pop culture" na lamang ay madami tayo'ng nadampot sa mga Hapon -- tulad ng anime, manga, cosplaying at ang mga tradisyunal na sining ng mga Hapon tulad ng ikebana, bonsai at origami.
ang huling dalawa'ng nabanggit ay malapit sa aking puso -naks! unahin natin ang pagbobonsai -- Bonsai (help·info) (盆栽 Japanese) (lit. plantings in tray, from bon, a tray or low-sided pot and sai, a planting or plantings)[1] is a Japanese art form using miniature trees grown in containers.
jerry with one of his bonsais |
miniature bonsais |
"bonsaipunk"@work |
hindi ako marunong mag-bonsai, pero mahilig ako dito. ang aming kaibigan na si jerry panguito a.k.a. "bonsaipunk" ang mahilig at matiyaga at masasabing may "K" sa larangang ito. sa pagkakaalam ko ay may sinalihan siya'ng grupo upang mas matuto at maging malawak ang kanyang kaalaman sa sining na ito at alam ko na isinasapuso niya ang paggawa ng kanyang mga obra.
pag-usapan naman natin ang isa pang sining ng mga Hapon na mas malapit sa puso ko ang origami o ang "japanese art of paper folding" --
two kois on a ceramic pottery by lilia lao |
rooster, crane, ganders & swans |
nagsimula ang pagkahumaling ko sa origami noong namalagi ako sa aking kapatid na si lilia ng almost five months, somewhere down south. mayroon kasi siyang book on origami, "the origami bible" ni ashley wood at "complete origami" ni david mitchell. nag-umpisa ako'ng sumubok ng mga basic na project tulad ng tulip at crane at natuwa naman ako sa naging resulta. nagsimula ako sa paggamit ng mga lumang magazines bilang materyal sa pagtupi ng mga proyekto. naging challenge ang paghanap ng magandang prints mula sa mga magazines, na babagay sa gagawing origami. tulad na lang sa mga kois na nasa larawan, ang nasa ibabaw ay mula sa fashion magazine at 'yung orange naman ay gawa talaga sa origami paper. sa kakapasyal sa mga bookstores at booksales, nakabili ako ng origami book na may kasamang magandang papers, ito 'yung "zoogami" ni gay merrill gross. dumami na ang mga natutunan kong itupi, naging palipasan ko na nga ito ng oras habang naghihintay ng tickets sa mga ticketing counters ng iba't-ibang airlines, at pagkatapos ay ibinibigay ko sa ticketing agent na nagserve sa akin; 'yun ay kung maganda at maayos ang pag-serve nila sa akin, kung hindi, wala'ng origami, hehehe...natuklasan ko rin ang isang japanese store sa robinson's galleria na may tinda'ng origami paper, may two-sided na magkaiba ng kulay bawa't side, at may magagandang japanese design.
naghanap na rin ako ng mga design sa internet at marami rin naman ako'ng nadampot sa net (galing talaga ng technology!), ang iba nga ay mayroon pa'ng crease patterns na pwede'ng i-print, o 'di ba ang galing?
seriously at work... (weh?!?) |
models from the fitful flog |
with "Shamcey Supsup" |
bukod sa bonsai at origami, marami pa tayo'ng nakahiligan mula sa mga Hapones -- tempura, iba't-ibang sushi at sashimi, at ang all time favorite na past time natin, -- ang karaoke! kaya sa saliw ng awitin mula sa the vapors -- "that's why i'm turning japanese i think i'm turning japanese i really think so..." hanggang sa muli... sayonara!
the artisans |
No comments:
Post a Comment