Monday, April 27, 2015

"teknologi"


There's a moon in the sky
It's called the moon
And everybody is there, including,
Saturn, Mercury
Saturn, Venus
Saturn, Mars
Saturn, Jupiter
The Van Allen Belt - the B-52's


it's been 46 years (July 20, 1969) since man made history when Apollo 11, manned by Michael Collins, Buzz Aldrin and Neil Armstrong, all from the United States of America, landed on the moon...WOW!

science and technology...ang layo na ng narating natin sa larangan ng pagsulong, kung babalik-tanawin natin ang buhay dati, napakasimple lang, wala pa'ng mga makabagong kagamitan o "gadgets" na magpapabilis ng ating mga gawain. 

kung titignan natin, may mga kabutihan din naman naidulot ang mga "gadgets" na ito, 
napadali ang mga gawaing bahay ni nanay sa bahay, napabilis ang mga trabaho ni tatay,
at mas madaling natuto ang mga bata sa tulong ng mga makabagong teknolohiya sa kanilang pag-aaral.

ang nakakaalarma lamang patungkol sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, lalo na sa larangan ng "telecommunications" ay ang pagkakahumaling natin sa mga "smart phones",
laptops, at iba pang related na mga gadgets.


boy busy from his "tweets" / girl enjoying nature's tweets

magkaharap na nga, ayaw pa mag-usap

nawawala na ang interaction natin sa ibang tao, sa ating mga kapamilya, mga kaibigan
at pati na sa Diyos. minsan nga, habang nakasakay ako sa jeep, nag-abot ako ng bayad,
aba wala'ng pumansin -- DEADMA lang lahat; paano naman, si kuya na katabi ko, uma-ATTACK na sa kalaba'ng CLAN, si ate naman, panay wasiwas ng daliri para makabuo ng linya-linyang CANDY, at si manong naman ay busy sa panonood sa YouTube; sa inis ko,
binitawan ko 'yung mga barya na pambayad sa jeep, eh 'di nagpulutan sila lahat, HAH!
pati sa pagsakay mismo, hindi ka papaupuin, ayaw magsi-usog, busy lahat sa kung anu-anong "gadgets" na nakasakbat sa sa kani-kanilang mga katawan, FULL TANK NA NYO! painumin ng milk tea!

sorry, they're all busy...
 pati mga bata ngayon, mas gusto pa'ng magpipindot sa mga gadgets nila, kaysa maglaro ng physical na paglalaro -
mainit daw at nakakapagod.

ayos! ganda ng sunburn!

kahit saan na lang, mapabakasyon, sa opisina, sa bahay - wala na tayo'ng control sa paggamit ng teknologi. hindi naman sa kontra ako totally sa mga gadgets na ito, matuto lang sana tayo sa tama at wasto'ng paggamit ng mga ito, DISIPLINA, bigyan pansin din natin ang mga tao'ng nakapaligid sa atin, ang magandang kalikasang gawa ng ating Maykapal -
stop and smell the roses - ika nga ng mga banyaga.

okay, sana may napulot tayo aral, until then...text-text na lang o PM...mag-Shadow Fight pa 'ko.












Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
 Hindi nga masama ang pag-unlad 
Kung hindi nakakasira ng kalikasan - asin








images from 1,000,000 Artists whose webpage appears below:
https://www.facebook.com/1MillionArtists/photos/pcb.957646317600636/957644570934144/?type=1&theater











No comments:

Post a Comment