Alzheimer's is a type of dementia that causes problems with memory, thinking and behavior. Symptoms usually develop slowly and get worse over time, becoming severe enough to interfere with daily tasks.
mid 2002 ng ma diagnose ang nanay ko with alzheimer's. nakakaawa ma witness ang pag hina ng functionality ng kanyang utak, na sa paglipas ng panahon ay nababawasan ang kanyang nalalaman, naaalala at ang pagbago ng kanyang ugali.
hindi naman daw ito hereditary o isang contagious disease, nguni't marami sa ating mga pilipino ay tila mayroong alzheimer's disease.
jun lozada, benjamin abalos, joey de venecia,....ano na ang nangyari sa ZTE hearing ng senado? nasaan na ang mga personalidadna nabanggit?
ang "hello garci" phone taps at ang public apology ng dating pangulong GMA, nakalimutan na rin ng taong bayan, dapat after na air sa national television ang apology ay nag step out na siya from the palace. si jocjoc bolante at ang "fertilizer fund scam", wala ring nangyari, kaya si mang lauro vizconde tila nawalan na ng gana sa pag hingi ng hustisya sa karumaldumal na krimen na ginawa sa kanyang pamilya; ang rub-out sa kuratong baleleng, ano na ang nangyari? wala...natatandaan niyo pa ba si maureen hultman? nasaan na si claudio teehankee? puro kaparu-parusa ang mga scenario na nabanggit, nguni't ito'ng isang mama, Mr. Dingle ang ngalan, na naka-imbento ng paraan na magamit ang tubig para makapag-patakbo ng makina ng sasakyan...nasaan na siya? napapalibutan pa naman ang Pilipinas ng tubig, hindi na sana aangkat ng krudo; yan ang dahilan kaya siguro siya "nawala", mawawalan ng "raket" sa pag-angkat ng krudo ang ilang nasa gobyerno.
ganito na lang palagi, kapag may gusto sila na makalimutan ng taong bayan, gagawa sila ng bagong sensational na balita, para ito naman ang mapag-usapan...
hay naku....sayang ang Pilipinas, ang mga Pilipino, makakalimutin na wala nama'ng alzheimer's disease.
No comments:
Post a Comment