Friday, August 12, 2011

"when i was a boy...everything was right"

the beatles! - bow...sino ba ang hindi nahumaling, nasiraan ng bait (tulad ni chapman), o nakakakilala man lamang sa grupong ito mula sa England? hindi ko alam...


pero masarap isipin na mas masaya ang buhay noong mas bata pa tayo -- parang walang kaproble-problema ang mundo, enjoy lang...


siguro noong nasa sinapupunan pa ako ay "rampant" na ang pakikinig ng musika sa aming bahay, bakit? kasi noong isinilang na ako ay parang alam ko na yung music na iyon, parang "alam ko na 'tong kanta'ng 'to!"

eh, ang hilig pa naman sa bahay noong mga panahon na yon ay beatles, pati tatay ko fan nila. bukod sa the fab four, hilig din ng tatay ko si tom jones, burt bacharach, trini lopez at si herb alpert at ang tijuana brass.

ganoon din ang mga ate ko, si carol at si lily - medyo malaki ang agwat ng edad nila sa akin, kaya mas malawak na ang kaalaman nila sa music. nag-aral sila ng acoustic guitar, kaya isang damakmak ang Jingle magazine noon sa bahay, si ate lily nga nilalagyan pa ng plastic cover ang bawa't isa, iniipon din namin ang mga free poster sa bawa't issue ng Jingle, ang isa sa tumatak sa isipan ko ay yung poster ni Jesus Christ na may hawak na mic sa isang kamay at naka peace sign naman yung isa (time ata ng "Jesus Christ Superstar" yung ish na yun). ganoon din, beatles din ang trip nila, yun nga lang medyo psychedelic era o pang flower power, (hindi na "dig" ng tatay ko). carole king, bread, don mclean, simon and garfunkel, at jackson 5 ang iba pa sa kinalokohan naming sounds sa bahay.


jr. and sr. @ Luneta Park
murang-mura pa mga bilihin noon, mataas pa ang value ng peso. medyo maganda ang employment ng tatay ko noon, kaya tuwing payday, may pasalubong siya sa amin, madalas nga magnolia ice cream -- 'yung flavor of the month, siyempre!!!


kapag may chance ay namamasyal kami, minsan kapag araw ng sabado, sinasama ako ng tatay ko sa kanilang opisina para mag check ng mga mail at kung may nag "telex"( wala pa kasi "fax machine" noon). after sa office, lakwatsa na kami --  at ang favorite destination ay Luneta Park! (natatandaan ko ang fare sa taxi noon ay 20 cents ang flagdown at 10 cents every km [wow!])


o, ang sarap ng buhay dati, di ba? kami pa lang dalawa ng tatay ko 'yong naikwento ko, huh? eh paano pa kung kasama na ang buong magpipinsan?(nasa isang compound nga pala kami, torres family, side ng nanay ko, seven sila mag kakapatid), kaya ang dami naming magpipinsan sa compound. oh, di ba ang saya-saya!!!


clockwise from left: lito, emet, me and willie
pati ang mga laro naming magpipinsan ay simple lang-- tumbang preso, taguan, o kaya naman ay mag kukunwari kaming mga sundalo, para'ng Combat ni Rick Jason at Vic Morrow sa TV dati, kumpleto attire namin pati armas at ammo -- baril na gawa sa kahoy, 'yung galing sa antipolo, at ang bala at granada ay mga lumang baterya. kung minsan naman, feeling mga detective kami, ala Agent X-44, Tony Falcon, kon-todo leather shoes pa kami, ah? at pupuntahan namin 'yung kaha de yero ng lolo Pedring namin at kunyari ay pasasabugin namin ito.


masaya bondingan naming magpipinsan... natatandaan niyo ba ang christmas display sa COD dati? madalas naming dinadayo yun, isang jeep kami, yung kay lolo Pedring, eto'ng si emet (pinakamalaki sa pic), naisipan pang i-recreate ang COD display sa kuwarto nila'ng magkakapatid, gumawa siya ng maliliit na papier-mache na nagsilbing mga tauhan sa kwento, at siya rin ang narrator. ang kapatid niyang si lito ang "lightsman". may bayad kada pagtatanghal, 10 centavos bawa't bata, ang matatanda, 15 centavos.


kung mapagmamasdan ang mga bata ngayon, mas technical ang konsepto ng laro para sa kanila, nagre-rely sila sa mga usong gadgets sa market ngayon. kaya kapag kinukwentuhan ko ang aming mga anak ay di sila makapaniwala na sobrang saya na namin sa mga simpleng bagay at simpleng pamamaraan lamang. sana bata uli tayo, 'no?

No comments:

Post a Comment