Saturday, August 27, 2011

"in the city"

simula't sapul na ipinanganak ako ay dito na sa Maynila, lungsod ng Mandaluyong, ang naging lokasyon ng  "telenovela ng aking buhay".  

amado t. reyes street, barangay pag-asa, Mandaluyong, Rizal -- oo Rizal pa noon ang kadugtong ng mga lungsod, para'ng "province of rizal", ng maglaon ay naging Metro Manila na, at ngayon nga, ang karamihan ay "City" na.

ang mga magulang ko at mga magulang nila ay pawang dito lang din sa Maynila isinilang, walang probinsiya na mauuwian tuwing "summer vacation" ( waaah! ).


iyan ang dilemma ng mga "urbanites" na kagaya ko -- walang access sa sariwang hangin, sariwang gatas ng baka, kalabaw o kambing, walang malinis at dumadaloy na ilog na pwedeng paliguan, walang mga alitaptap sa gabi, walang mga punungkahoy na maaakyat at manginain ng mga bunga nito, alam ninyo? yung "total rural life".



yung tipong ang panggising mo sa umaga (instead na alarm sa cellphone o dakdakan ng kapitbahay) ay tilaok ng manok at ang pampatulog mo naman sa gabi ay ang mga tunog ng kuliglig. woooww, ang galeeeng! parang mga black and white movies ng LVN o Sampaguita Pictures. 



jing, marlon, ogie, lowie & me @ taytay falls, laguna
kunsabagay, madami-dami na rin ang mga lalawigang aking napuntahan; simulan natin sa timog o south -- siyempre ang mga palasak na pinupuntahan, Laguna. parang di na rin probinsya maituturing ang Laguna, pero may isang lugar sa Sta. Cruz, Laguna, sa barangay Bakya, ang masasabing "gamot" sa isang tulad ko'ng sawang-sawa na na sa "concrete jungle". ito ay malapit na sa boundary ng Quezon at dito mo makikita ang Taytay  Falls. hindi ko na alam kung ilang beses na kami nagpunta ng tropa dito. ang Bueno Bros. (joey & ogie) kasi ay may mga kamag-anak dito kaya 'di masyadong problema ang lodging kapag kami ay nandito. after Laguna, ang isa pa sa palasak na summer destination ay ang Batangas. kung saan-saan na sa rin sa Batangas ang aking napuntahan, ang madalas na destinasyon ay ang matabungkay beach (kay mang erning!) --  sa Lian, sa Munting Buhangin. nakarating na rin ako sa Bicol, nag campaign kami nila marlon marquez at jerry panguito kay Loren Legarda sa pagka senadora, (medyo disappointed ako dahil sa 3-star hotel kami tumuloy for 1 week ) at lately ay sa virgin beach, san juan, batangas, company outing ng blue horizons travel and tours, inc.
photo op with sir alex
green team jump shot










magawi naman tayo sa hilaga o sa north -- ang mga travel destination na napuntahan ko na ay White Rock sa Subic, Pangasinan, Baguio ( kaya lang, 1970 pa 'yon, 4 yrs. old pa lang ako, di na naulit, waaahh! ), at nitong nakaraang summer ay nagkaroon ako ng chance na makasama ng tropa sa Zambales.




ang ganda dito, grabe!!! ang beach, ang dagat, ang view -- kaya lang, walang cellphone signal, walang electricity, walang internet, sa cottage at tents lang ang tulog, pero sulit naman kahit malayo.
ang tanong ngayon -- kaya ba nating iwan ang "automated, pampered life" natin sa city, kapalit ng kagandahan ng kalikasan, despite sa "manual labor" na kaakibat ng rural living?
siguro 'yung mga basic ammenities natin sa city, dapat readily available, pero ang location siyempre sa province -- mas liblib, mas okay.   okay ba?




No comments:

Post a Comment