Monday, October 3, 2011

"my collie (not a dog)"

"i love my collie, she makes me feel so high
she gave me deep meditation
oh my sweet collie."

so goes the Selecter song, but i don't think that song was about a dog, and ours wasn't a collie, it was a beagle and she was gone...
with pepper

a long time ago when i was still in grade school, my father brought home a mongrel puppy from Talim Island, a fishing community somewhere in the Province of Rizal, to be our pet. i was ecstatic because for the first time, my mother agreed to have a pet around the house; she was not fond of pet pooh, pee and other "clutter" a pet would bring or create around the house, but she agreed and i was so happy. we called him Tami, but unfortunately, when Tami has grown up  to an adult dog, he accidentally swallowed some chicken bones which choked him to death.


around 2002, my cousin Carmen, who owns a dog (a mongrel), who was about to deliver some pups, promised to give us one. so the dog delivered, and true to her word, Carmen gave us a female pup. we named her Mizay, and the kids enjoyed Mizay so much we even slept with her. later on we developed some sort of allergies from Mizay's ticks and fleas, so after more than a year, we decided to let go of her, we returned Mizay to Carmen, who eventually gave the dog to her boss.


...and then came Pepper -- a female tri-colored half-bred beagle, she was given to me by my sister Lilia, from her pure-bred male beagle Charlie and half-bred female Lakeisha. at first, i was hesitant to accept her, thinking that owning a pedigreed dog (even though not pure) would be of high maintenance. so after a few months of feeding from Lakeisha and the necessary "shots", Pepper was ready to be transported to Mandaluyong. 
at first, feeling alienated, she was afraid to move around the house. she would not go out on the streets even with my kids' encouragements; she would just look and sniff around. but when the time came that she had grown accustomed to her new surroundings, she would bite her leash begging me to take her out for a walk. that was every after dinner, as if on cue, whenever i stood up from the dining table, she would wag her tail and bark non-stop. what's nice about beagles is that they are affectionate and playful -- there was never a dull moment in the house when Pepper came.


but the inevitable came -- during the recent typhoon Pedring, Pepper was not in her typical playful mode, she just lied most of the time; we thought she was afraid of the rains outside or the darkness because of the power failure. we let her sleep with us upstairs that night, but when she peed, i had no choice but to let her down the living room. there was something that i noticed about her, she was panting quite hard thinking she was having difficulty to breathe, thinking it might have been a case of a runny nose, i went upstairs to sleep.


the next day when i went down, i saw Pepper panting heavily than last night, i gave her a bowl of warm milk and some bread but she only consumed the milk. i went about preparing to go to work,  checking on the dog while putting on my shoes, she was still panting and thinking it as runny nose, i went to the office; on my way out, i looked at her and she gave me that pitiful look of hers, as if trying to tell me something and even followed me to our door. at the office, i realized that she might have swallowed something foreign, so i began searching the net for solutions. i texted my wife, Marie of possible solutions and continued searching for more answers. at around 11:00 in the morning, my wife texted me to call her back, i was hesitant to talk to her, fearing what she had to say, and when the phone connected, i heard Basti and Anne in the background crying and Marie told me that Pepper blew blood from her mouth and nose and was now lying dead in the living room. i was shattered and felt sorry and helpless for what had happened to Pepper.


i have never been so affected by the loss of a pet as what i had with Pepper; it was like losing a family member...as the saying goes, "dogs are man's best friend", well, they really are, they're always there when you need them, never complain about anything, and they're great companions -- i sure miss her...Pepper.     


princess pepper
i don't think i'll be able to own another pet right now; i don't think i'm ready...it's really hard when sometimes you don't have all the means to pursue and nourish something that is valuable and vulnerable. i'm sure Nanay would have approved of her, would even like her when they meet.




Wednesday, September 21, 2011

"turning japanese"

1941 nang pumutok ang ikalawang digmaang pandaigdig,
kung saan nasakop ang Manila ng hukbong sandatahan ng bansang Hapon. 1945 naman ng malupig ang mga Hapon, sa tulong ng tropang Kano, sa pamumuno ni Gen. Douglas MacArthur, at tuluyang nakalaya ang Maynila sa mga Hapon...


maraming bagay din naman ang naipamana sa atin ng mga Hapones. sa "pop culture" na lamang ay madami tayo'ng nadampot sa mga Hapon -- tulad ng anime, manga, cosplaying at ang mga tradisyunal na sining ng mga Hapon tulad ng ikebana, bonsai at origami.


ang huling dalawa'ng nabanggit ay malapit sa aking puso -naks! unahin natin ang pagbobonsai --  Bonsai  (盆栽 Japanese) (lit. plantings in tray, from bon, a tray or low-sided pot and sai, a planting or plantings)[1] is a Japanese art form using miniature trees grown in containers.
jerry with one of his bonsais

miniature bonsais

"bonsaipunk"@work


hindi ako marunong mag-bonsai, pero mahilig ako dito. ang aming kaibigan na si jerry panguito a.k.a. "bonsaipunk" ang mahilig at matiyaga at masasabing may "K" sa larangang ito. sa pagkakaalam ko ay may sinalihan siya'ng grupo upang mas matuto at maging malawak ang kanyang kaalaman sa sining na ito at alam ko na isinasapuso niya ang paggawa ng kanyang mga obra.

pag-usapan naman natin ang isa pang sining ng mga Hapon na mas malapit sa puso ko ang origami o ang "japanese art of paper folding" --
two kois on a ceramic pottery by lilia lao
rooster, crane, ganders & swans
Origami (折り紙?, from ori meaning "folding", and kami meaning "paper"; kami changes to gami due to rendaku) is the traditional Japanese art of paper folding, which started in the 17th century AD at the latest and was popularized outside Japan in the mid-1900s. It has since then evolved into a modern art form. The goal of this art is to transform a flat sheet of material into a finished sculpture through folding and sculpting techniques, and as such the use of cuts or glue are not considered to be origami


nagsimula ang pagkahumaling ko sa origami noong namalagi ako sa aking kapatid na si lilia ng almost five months, somewhere down south. mayroon kasi siyang book on origami, "the origami bible" ni ashley wood at "complete origami" ni david mitchell. nag-umpisa ako'ng sumubok ng mga basic na project tulad ng tulip at crane at natuwa naman ako sa naging resulta. nagsimula ako sa paggamit ng mga lumang magazines bilang materyal sa pagtupi ng mga proyekto. naging challenge ang paghanap ng magandang prints mula sa mga magazines, na babagay sa gagawing origami. tulad na lang sa mga kois na nasa larawan, ang nasa ibabaw ay mula sa fashion magazine at 'yung orange naman ay gawa talaga sa origami paper. sa kakapasyal sa mga bookstores at booksales, nakabili ako ng origami book na may kasamang magandang papers, ito 'yung "zoogami" ni gay merrill gross. dumami na ang mga natutunan kong itupi, naging palipasan ko na nga ito ng oras habang naghihintay ng tickets sa mga ticketing counters ng iba't-ibang airlines, at pagkatapos ay ibinibigay ko sa ticketing agent na nagserve sa akin; 'yun ay kung maganda at maayos ang pag-serve nila sa akin, kung hindi, wala'ng origami, hehehe...natuklasan ko rin ang isang japanese store sa robinson's galleria na may tinda'ng origami paper, may two-sided na magkaiba ng kulay bawa't side, at may magagandang japanese design.


naghanap na rin ako ng mga design sa internet at marami rin naman ako'ng nadampot sa net (galing talaga ng technology!), ang iba nga ay mayroon pa'ng crease patterns na pwede'ng i-print, o 'di ba ang galing? 


seriously at work... (weh?!?)


models from the fitful flog














with "Shamcey Supsup"

kamakailan ay nagkakwentuhan kami ni jerry, nagpalitan ng kuro-kuro at may photo ops pa kasama ang kanyang obra na si Shamcey Supsup, na nanalo recently bilang third runner-up sa Ms. Universe Pageant. 














bukod sa bonsai at origami, marami pa tayo'ng nakahiligan mula sa mga Hapones -- tempura, iba't-ibang sushi at sashimi, at ang all time favorite na past time natin, -- ang karaoke! kaya sa saliw ng awitin mula sa the vapors -- "that's why i'm turning japanese i think i'm turning japanese i really think so..." hanggang sa muli... sayonara!


the artisans 

Monday, September 19, 2011

"born to be wild"

                      



"get your motor running, 
get out on the highway
looking for adventure,
four in a bike without helmets

or whatever comes our way."

sa sobrang taas ng presyo ng krudo sa world market, marami sa atin ang nag momotorsiklo na lamang papunta at pabalik sa kanilang paroroonan. tipid nga naman at mas mabilis ang biyahe, nagmura ang presyo ng mga motorsiklo, kaya lalo'ng dumami ang "riders" sa lansangan.

lately ang mga bagong sibol na "riders" ngayon sa lansangan ay may pagka-"wild",  hindi nila alintana ang tamang paglalakbay sa ating mga lansangan sakay ng kanilang mga motorsiklo, sa madaling sabi, di sila gaanong "aware" sa ating mga batas trapiko. madalas ko'ng ma-"experience" ang kanilang pagka-"wild" sa daan; kapag traffic ay lusutan sila ng lusutan sa right side ng kalye (di ba sa left ang pag-overtake?) kung saan maraming pedestrian (tulad ko) ang matiwasay na naglalakad, magugulat ka na lang at may biglang dadaan na motorsiklo. kung minsan naman ay busina nang busina sa iyo habang naglalakad ka at minsan nga ay sinasakop na nila ang mga sidewalks, GRABE!!! hindi ko malaman kung bakit nagkakaroon ng liyensiya ang mga kumag na 'to.
palagi'ng nag-aapura, hindi mo malaman kung ang pagbiyahe sa mga lansangan ay isang karera na para'ng "cannonball run". madalas tuloy na sila ang sangkot sa mga aksidente, tsk, tsk, tsk...

 naging laganap pa ang krimen tulad ng snatching, hold-up, agaw cellphone na gamit ang motorsiklo sa pagsasagawa ng kanilang modus operandi. tulad na lang ng na experience ng kasama ko'ng liaison officer na si camilo, nang may samahan siya'ng pasahero sa embassy sa paseo de roxas. natapos na ang transaksyon nila sa embassy at naghihintay na lang ng taxi papunta'ng airport ang pasahero, nang may biglang dumaan na motorsiklo sa sidewalk mismo, kung saan sila naghihintay ng taxi; hinablot ang shoulder bag ng laptop noong pasahero ni camilo, nabigla sila pareho at hindi na nagawa'ng ipagbigay alam sa mga pulis ang nangyari, dahil sa bilis ng mga pangyayari. 

may mga ilan pa rin naman na masasabi'ng matino pagdating sa pagmomotorsiklo, kaya lang ay iilan na lang sila, puro pasaway ang mga naiwan sa ating lansangan. kaya sa ating mga pedestrian, mga drivers ng four-wheeled vehicles, mag-ingat tayo sa mga "born to be wild" na riders. hasta la vista, baby, vrrrooom!                                                                                                                                                                                                                                                                

Saturday, August 27, 2011

"in the city"

simula't sapul na ipinanganak ako ay dito na sa Maynila, lungsod ng Mandaluyong, ang naging lokasyon ng  "telenovela ng aking buhay".  

amado t. reyes street, barangay pag-asa, Mandaluyong, Rizal -- oo Rizal pa noon ang kadugtong ng mga lungsod, para'ng "province of rizal", ng maglaon ay naging Metro Manila na, at ngayon nga, ang karamihan ay "City" na.

ang mga magulang ko at mga magulang nila ay pawang dito lang din sa Maynila isinilang, walang probinsiya na mauuwian tuwing "summer vacation" ( waaah! ).


iyan ang dilemma ng mga "urbanites" na kagaya ko -- walang access sa sariwang hangin, sariwang gatas ng baka, kalabaw o kambing, walang malinis at dumadaloy na ilog na pwedeng paliguan, walang mga alitaptap sa gabi, walang mga punungkahoy na maaakyat at manginain ng mga bunga nito, alam ninyo? yung "total rural life".



yung tipong ang panggising mo sa umaga (instead na alarm sa cellphone o dakdakan ng kapitbahay) ay tilaok ng manok at ang pampatulog mo naman sa gabi ay ang mga tunog ng kuliglig. woooww, ang galeeeng! parang mga black and white movies ng LVN o Sampaguita Pictures. 



jing, marlon, ogie, lowie & me @ taytay falls, laguna
kunsabagay, madami-dami na rin ang mga lalawigang aking napuntahan; simulan natin sa timog o south -- siyempre ang mga palasak na pinupuntahan, Laguna. parang di na rin probinsya maituturing ang Laguna, pero may isang lugar sa Sta. Cruz, Laguna, sa barangay Bakya, ang masasabing "gamot" sa isang tulad ko'ng sawang-sawa na na sa "concrete jungle". ito ay malapit na sa boundary ng Quezon at dito mo makikita ang Taytay  Falls. hindi ko na alam kung ilang beses na kami nagpunta ng tropa dito. ang Bueno Bros. (joey & ogie) kasi ay may mga kamag-anak dito kaya 'di masyadong problema ang lodging kapag kami ay nandito. after Laguna, ang isa pa sa palasak na summer destination ay ang Batangas. kung saan-saan na sa rin sa Batangas ang aking napuntahan, ang madalas na destinasyon ay ang matabungkay beach (kay mang erning!) --  sa Lian, sa Munting Buhangin. nakarating na rin ako sa Bicol, nag campaign kami nila marlon marquez at jerry panguito kay Loren Legarda sa pagka senadora, (medyo disappointed ako dahil sa 3-star hotel kami tumuloy for 1 week ) at lately ay sa virgin beach, san juan, batangas, company outing ng blue horizons travel and tours, inc.
photo op with sir alex
green team jump shot










magawi naman tayo sa hilaga o sa north -- ang mga travel destination na napuntahan ko na ay White Rock sa Subic, Pangasinan, Baguio ( kaya lang, 1970 pa 'yon, 4 yrs. old pa lang ako, di na naulit, waaahh! ), at nitong nakaraang summer ay nagkaroon ako ng chance na makasama ng tropa sa Zambales.




ang ganda dito, grabe!!! ang beach, ang dagat, ang view -- kaya lang, walang cellphone signal, walang electricity, walang internet, sa cottage at tents lang ang tulog, pero sulit naman kahit malayo.
ang tanong ngayon -- kaya ba nating iwan ang "automated, pampered life" natin sa city, kapalit ng kagandahan ng kalikasan, despite sa "manual labor" na kaakibat ng rural living?
siguro 'yung mga basic ammenities natin sa city, dapat readily available, pero ang location siyempre sa province -- mas liblib, mas okay.   okay ba?




Wednesday, August 17, 2011

"accidents never happen, in a perfect world..."

debbie harry or simply "blondie". mula sa kanilang awitin ang pamagat ng post na ito, alam ninyo ba kung bakit ito ang pamagat? eto ang kwento --
last fateful saturday, august 13, the metropolis was filled with tempting events -- it's the first year anniversary of Manila Soul over at B-Side in Makati, there's the New Wave Party by DWXB 102.7 at the Mandaluyong Gym in Boni Circle, and sherwin's nth birtday bash with CoffeeBreak Island as your drinking buddies, over at sherwin's house in Hulo, Mandaluyong City. before the decision was made, joey and i met russsel salazar in manda to visit marlon at the hospital.


of course, we opted for the nearest, the cheapest and "the friends only" event you could possibly think of. after downing several bottles of brandy and "crispy patas", noodles, chicken feet, deep fried innards, and what-have-you, we decided to check out the new wave party over at the Mandaluyong Gym --






we arrived at the gym at around 2 am already. most of the guests and party animals had gone home (or elsewhere), even most of our mates weren't around anymore. more beer drinking ensued, and after feeling sleepy and bored, actually ( 'coz most of the wavers were gone ) -- i was figuring out a way to go home unnoticed. joshua, who at the moment was feeling the same predicament that i was in, approached me and offered me a ride home on his scooter. i told him to wait for our mates but insisted that we went on with his plan. so we went and with just a few kilometers from home, the unexpected happened -- a tricycle countered to our lane and joshua, followed his instincts, swerved to the left causing the tires to slide on the sandy road.

the result was, as you can see -- 8 stitches on the left brow and bruises on the nose, chin and left hand...and for josh, he's scheduled for operation at the orthopedic hospital, a screw will be installed to his left elbow. we're still thankful to God that we survived and our injuries were not that serious. 

accidents do happen -- specially in a not so perfect world like the one we are all living in...we can never tell when things will happen, be prepared and always seek for His guidance.



*always were protective gear when riding on motorbikes 

Friday, August 12, 2011

"when i was a boy...everything was right"

the beatles! - bow...sino ba ang hindi nahumaling, nasiraan ng bait (tulad ni chapman), o nakakakilala man lamang sa grupong ito mula sa England? hindi ko alam...


pero masarap isipin na mas masaya ang buhay noong mas bata pa tayo -- parang walang kaproble-problema ang mundo, enjoy lang...


siguro noong nasa sinapupunan pa ako ay "rampant" na ang pakikinig ng musika sa aming bahay, bakit? kasi noong isinilang na ako ay parang alam ko na yung music na iyon, parang "alam ko na 'tong kanta'ng 'to!"

eh, ang hilig pa naman sa bahay noong mga panahon na yon ay beatles, pati tatay ko fan nila. bukod sa the fab four, hilig din ng tatay ko si tom jones, burt bacharach, trini lopez at si herb alpert at ang tijuana brass.

ganoon din ang mga ate ko, si carol at si lily - medyo malaki ang agwat ng edad nila sa akin, kaya mas malawak na ang kaalaman nila sa music. nag-aral sila ng acoustic guitar, kaya isang damakmak ang Jingle magazine noon sa bahay, si ate lily nga nilalagyan pa ng plastic cover ang bawa't isa, iniipon din namin ang mga free poster sa bawa't issue ng Jingle, ang isa sa tumatak sa isipan ko ay yung poster ni Jesus Christ na may hawak na mic sa isang kamay at naka peace sign naman yung isa (time ata ng "Jesus Christ Superstar" yung ish na yun). ganoon din, beatles din ang trip nila, yun nga lang medyo psychedelic era o pang flower power, (hindi na "dig" ng tatay ko). carole king, bread, don mclean, simon and garfunkel, at jackson 5 ang iba pa sa kinalokohan naming sounds sa bahay.


jr. and sr. @ Luneta Park
murang-mura pa mga bilihin noon, mataas pa ang value ng peso. medyo maganda ang employment ng tatay ko noon, kaya tuwing payday, may pasalubong siya sa amin, madalas nga magnolia ice cream -- 'yung flavor of the month, siyempre!!!


kapag may chance ay namamasyal kami, minsan kapag araw ng sabado, sinasama ako ng tatay ko sa kanilang opisina para mag check ng mga mail at kung may nag "telex"( wala pa kasi "fax machine" noon). after sa office, lakwatsa na kami --  at ang favorite destination ay Luneta Park! (natatandaan ko ang fare sa taxi noon ay 20 cents ang flagdown at 10 cents every km [wow!])


o, ang sarap ng buhay dati, di ba? kami pa lang dalawa ng tatay ko 'yong naikwento ko, huh? eh paano pa kung kasama na ang buong magpipinsan?(nasa isang compound nga pala kami, torres family, side ng nanay ko, seven sila mag kakapatid), kaya ang dami naming magpipinsan sa compound. oh, di ba ang saya-saya!!!


clockwise from left: lito, emet, me and willie
pati ang mga laro naming magpipinsan ay simple lang-- tumbang preso, taguan, o kaya naman ay mag kukunwari kaming mga sundalo, para'ng Combat ni Rick Jason at Vic Morrow sa TV dati, kumpleto attire namin pati armas at ammo -- baril na gawa sa kahoy, 'yung galing sa antipolo, at ang bala at granada ay mga lumang baterya. kung minsan naman, feeling mga detective kami, ala Agent X-44, Tony Falcon, kon-todo leather shoes pa kami, ah? at pupuntahan namin 'yung kaha de yero ng lolo Pedring namin at kunyari ay pasasabugin namin ito.


masaya bondingan naming magpipinsan... natatandaan niyo ba ang christmas display sa COD dati? madalas naming dinadayo yun, isang jeep kami, yung kay lolo Pedring, eto'ng si emet (pinakamalaki sa pic), naisipan pang i-recreate ang COD display sa kuwarto nila'ng magkakapatid, gumawa siya ng maliliit na papier-mache na nagsilbing mga tauhan sa kwento, at siya rin ang narrator. ang kapatid niyang si lito ang "lightsman". may bayad kada pagtatanghal, 10 centavos bawa't bata, ang matatanda, 15 centavos.


kung mapagmamasdan ang mga bata ngayon, mas technical ang konsepto ng laro para sa kanila, nagre-rely sila sa mga usong gadgets sa market ngayon. kaya kapag kinukwentuhan ko ang aming mga anak ay di sila makapaniwala na sobrang saya na namin sa mga simpleng bagay at simpleng pamamaraan lamang. sana bata uli tayo, 'no?

Sunday, August 7, 2011

alzheimer's disease

Alzheimer's is a type of dementia that causes problems with memory, thinking and behavior. Symptoms usually develop slowly and get worse over time, becoming severe enough to interfere with daily tasks.




mid 2002 ng ma diagnose ang nanay ko with alzheimer's.  nakakaawa ma witness ang pag hina ng functionality ng kanyang utak, na sa paglipas ng panahon ay nababawasan ang kanyang nalalaman, naaalala at ang pagbago ng kanyang ugali. 

hindi naman daw ito hereditary o isang contagious disease, nguni't marami sa ating mga pilipino ay tila mayroong alzheimer's disease. 

 jun lozada, benjamin abalos, joey de venecia,....ano na ang nangyari sa ZTE hearing ng senado? nasaan na ang  mga personalidadna nabanggit?
ang "hello garci" phone taps at ang public apology ng dating pangulong GMA, nakalimutan na rin ng taong bayan, dapat after na air sa national television ang apology ay nag step out na siya from the palace. si jocjoc bolante at ang "fertilizer fund scam", wala ring nangyari, kaya si mang lauro vizconde tila nawalan na ng gana sa pag hingi ng hustisya sa karumaldumal na krimen na ginawa sa kanyang pamilya; ang rub-out sa kuratong baleleng, ano na ang nangyari? wala...natatandaan niyo pa ba si maureen hultman? nasaan na si claudio teehankee? puro kaparu-parusa ang mga scenario na nabanggit,  nguni't ito'ng isang mama, Mr. Dingle ang ngalan,  na naka-imbento ng paraan na magamit ang tubig para makapag-patakbo ng makina ng sasakyan...nasaan na siya? napapalibutan pa naman ang Pilipinas ng tubig, hindi na sana aangkat ng krudo; yan ang dahilan kaya siguro siya "nawala", mawawalan ng "raket" sa pag-angkat ng krudo ang ilang nasa gobyerno. 

ganito na lang palagi, kapag may gusto sila na makalimutan ng taong bayan, gagawa sila ng bagong sensational na balita, para ito naman ang mapag-usapan...

hay naku....sayang ang Pilipinas, ang mga Pilipino, makakalimutin na wala nama'ng alzheimer's disease.